Mt. Pulag by Matthew T.
Share
Naaya lang din ako ng pinsan ko na sumama sa kanila dahil yung kaklase ko inaya siya. Go narin kasi pangarap ko rin makapaghike sa pulag. Una akala ko medyo maOP ako kasi wala ko masyado kakilala pinsan ko lang saka yung isa kong kaklase pero naging masaya yung hike dahil sa mga taong mga nakasama ko sobrang approachable, makwela. Nung dumaan na sa assault trail papuntang Camp 1 sobrang nakakahingal kala ko ako lang yung nakaramdam nun pati rin pala yung ibang hikers, nagpahinga kami camp 1. Sa Summit sobrang lamig sa taas at sobrang lawak ng pakiramdam, nasulit namin yung pagakyat ng Pulag dahil may sea of clouds. Lalo pa itong gumanda nung nag sun rise pa parang gusto mo lang din syang titigan ng matagal sa ganda kaso dahil sobrang lamig sumabay na ko sa ibang kasamahan ko bumaba agad. sa pag baba doon ko mas naappreciate yung ganda. Sobrang naging memorable ang pag akyat namin sa Pulag, gusto ko pa ulit bumalik kahit nakakapagot sobrang worth it.
